.

Home

Bad Trip Na Naman

February 7, 2008

Gusto ko sanang magsulat tungkol sa magagandang mga bagay dito ngayon kaso naisip ko, hingahan lang pala ito ng sama ng loob. Ginawa ko nga pala tong blag na to para di ko kimkimin yung mga nararamdaman ko. Para di ako sumabog. Para ma-concrete-ize ko’t maisolate yung galit ko at maging ok pagkatapos.

At kelangan kong gawin yan ngayon kasi putang-ina, bad trip nanaman.

 So magkausap kami ng mahal ko sa Yahoo Messenger. Usual na kwentuhan lang, mustahan. Pero busy sya. So naintindihan ko. 

 

Tapos kinumusta ako kung ok yung araw ko. Nagkwento ako. Mga more than 10 lines ata. Tapos naghintay ako ng reply. Umabot ata ng 20 minutes. Wala. So nagpaalam ako na matutulog na lang ako. Ala pa ring reply. Tapos napalog ako aksidente at nag log-off na sya.

 

Bad trip. Parang gusto nya akong maglog off kaso hindi nya lang masabi.

 

Tae.

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 12:07 pm | permalink | comments[1]

Bakit Merong Taong Nakikialam Sa Yo?

January 14, 2008

Takot ba sila na meron kang gawin na di ok porke't me nakalipas kang di maganda. Ala ba silang tiwala na di na mangyayari sa yo yun? 

 Halimbawa, nagdroga ka. Tapos nakasaksak ka ng tao kasi high ka nung mga panahon na yon.

 Tapos ngayon magaling ka na tapos di ka na rin nagdodroga pero pinagdududahan ka pa rin nila kasi baka maulit na naman.

BAKA maulit nanaman. 

At kahit sa anong bagay, pareho rin yung kinakatakutan. Say pag gusto mong balikan yung girlfriend mo, nandun yung takot sa yo na baka maulit yung nangyari. Or say pag bumagsak ka sa unang take mo't pag itetake mo uli, nandun uli yung takot na baka bumagsak ka.

So bale puta, walang second chance kase ang second chance ay parang first chance na naulit lang. Ibig sabihin, walang biased opinions, walang takot, parang back to zero. Magbigay ka ng halimbawa ng scene na may second chance at ang depinisyon ko ang description.

Wala di ba? Kasi may takot, may mga taong natatakot baka gawin mo uli or mangyari uli yung mga dati mong ginagawa. At kung gusto mo mang mamuhay ng normal uli, nandun pa rin yung mga taong may pagdududa. Nandun pa rin yung mga tao na tumitingin at nakikialam sa mga kilos mo.

So walang second chance second chance. 

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 8:06 am | permalink | comments[1]

Bakit Mahirap Maghanap Ng Pera?

January 6, 2008

Kung tutuusin, madali lang dapat maghanap ng pera di ba? Maraming trabahong available. Maraming mga bagay na dapat gawin. Halimbawa, pag pinakiusapan ka ng may-ari ng tindahan na kung saan nagkataong tumatambay ka na tulungan mo siya sa pagsasara, isang marapat na kabayaran ang dapat ipantapat nya sa iyong munting serbisyo. Sya, na kumikita sa mga customers nya na bumibili sa kanya, ay magsasabing "Tenk yu, boy. Ambait mo naman." sa yo, na obviously, binigyan mo ng serbisyo. Pinapalamon ka ng mga magulang mo para may lakas ka sa pang-araw araw tapos sa pagliligpit mo lang at pagsasara ng tindahan mo lang ikoconsume yung enerhiya na mula sa pagkain na binili ng mga magulang mong nagtatrabaho.

Oo. Mga abusadong tao na nagsasamantala sa mga mababait na tao at nag-te-"Thank You" na lang. Isa rin yan sa mga may sala kung bakit mahirap maghanap ng pera at kung bakit maraming mga naghihirap at nagugutom ngayon.

 Ang babaduy nyo.  

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 2:15 am | permalink | Add comment

Bakit ang Pagmamahal…

December 26, 2007

e makapangyarihan?

 So tinawagan ko sya para kausapin. Hinanda ko na yung ineexpect ko na emotional nyang speech. "Sinaktan mo ako ng sobra at promise mo sa akin na di mo ako sasaktan kahit kelan. Thus ayaw ko na." So dinial ko ang number nya sa telepono at nagring. Tapos narinig ko ang pamilyar nyang "Hello..". Oo. Di pa rin nagbabago yung "Hello…" nyang yun. Parehong pareho ang intonasyon. Palibhasa galit. At parang dismayado. Tapos parang naiinip. Tapos kinumusta ko yung utol nya. Kwento sya. Napansin ko na nagbago yung intonasyon. Parang bumigay. Lumambing. Nawala yung galit. Di ko alam baka assuming lang ako pero dinig ko yung sudden shift. Kwentuhan kami. Tapos yun, inamin ko sa kanya na gusto ko syang awayin. Pero boses pa lang nya, nanlalambot na ako. Iba pala pag inaaway mo sa text kesa sa phone.

 

Pano kaya kung personal na? Putang ina, baka di ko maaway. Baka ako ang mamatay sa nerbyos sa kakikimkim ng galit.

 

So ano ang putang-inang lesson learned? Sa text or online, madaling makipag-away pero pag naririnig mo na, tapos lalo na pag alam mong meron pang ibang problema na inaasikaso, mahirap i-raise yung agenda mo. Parang bastos ang dating. So imbes na awayin, nadala ako sa boses nya tapos ngayon bati na kame.

 

At ngayon, kung ikucompare ko yung nararamdaman ko kaninang di pa kami nag-uusap kesa ngayon, aaminin ko, kahit me konting galit pa ren, mas ok yung nararamdaman ko ngayon. Well, konsensya ko ay clear kasi wala akong kinagagalitan, at wala ng naiinis sa akin.

 Sana magtuluy tuloy hanggang tuluyan kaming magsama.

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 9:32 am | permalink | comments[1]

Paano pag ang shota mo ay sensitive?

Iba akong magalit. Me iba't ibang degree. Pag mejo galit, tahimik. Pag galit, sinasabi ang galit at nang-aaway. Pag sobrang galit, nawawala ang pagiging tactful at nasasabi kung ano man ang pumapasok sa isipan. 

Kahapon, nag-away kami ng mahal ko. Feeling ko kasi, inuulol ako at iniignore. So nakaramdam ako ng sobrang galit. Dahil lang sa di nya pag reply sa texts ko (na nareplyan din after 4-5 hours), nagpasya akong makipagkalas. Oo, kalas agad. Ganon ako kahardcore ngayon. Kung naramdaman mo lang yung naramdaman ko mula ng nagtext ako hanggang dun sa pagtext nya sa akin, siguro kakalas ka rin. Lalo na kung naranasan mo ng maging praning.

Imagine, 4-5 hours akong nag-isip ng kung anu-ano. Inisip ko na may kinakausap sya. Tapos nawalan ng baterya. Tapos nagresume yung pag-uusap nila. Kase bago ko sya tinext, tumawag muna ako. Busy, tapos, not in service tapos busy tapos not in service. Pwede ang interpretasyon dun eh yung previous kong sinabi. Tapos nagtext ako. Since busy yung line, since ibig sabihin, ginagamit nya yung phone. At syempre pag nagtext ako, siguradong papasok yung putang inang texts ko. Kausap nya? Pwedeng kamag-anak, pwedeng kaibigan, pwedeng ex-boyfriend na putang-inang ubod ng kulit at sinasalatan ako dati dati pa, or manliligaw na nangungulit sa kanya. Kung sino man yon, wala akong pakialam. Ang kinasama lang ng loob ko, yung prior texts ko, nagpapahiwatig na "Oy text mo naman ako, kanina pa ako tumatawag". Kaso naghintay pa ako ng MGA ORAS. Puta, pasko naman di ba? Di naman siguro off yung cellphone nya.  Well, nabanggit ko na sa previous posts ko yan.

Anyway, lumipas ang isang araw, di man lang sya nagparamdam. Akala ko ba mahal nya ako. Nagtext man lang sana sya na "Bakit ganon? Bakit ganon yung tinext mo sa akin?" Nawala syang parang bula. Tapos sinasabi nya sa akin sa mga chat at email nya na, "Ako ang gusto nyang makasama habang buhay". Puta, nagkakalokohan lang ata,  feeling ko. So tinext ko sya ngayon, kinumusta at nagparamdam na andito ako,umaasang may maaayos. Pero galit pa rin at kung ano yung sinabi ko sa kanya, yun yon. Ngayon, di na pabagu-bago ang isip ko at walang paninindigan at kelangan ng effort, say nya, para mabago yon. Dati kasi, makita ko lang sya malungkot, nakokonsensya na agad ako kahit hindi pa nareresolve yung problema ko sa kanya. At yun ay mga 6 to 7 years ago. So ngayon, naghihintay ng reply sa mga texts ko kasi sa mga oras na to, tulog pa sya. 

Binalikan ko yung text nya, kasi me kopya na ipapadala sa Gmail pag natanggap ko yon pag offline yung Chikka. Sabi, busy daw sya, tapos walang signal, tapos marami daw syang ginagawa. Oo na't marami syang ginagawa, naiintindihan ko yon pero maano bang magtext lang ng isa na sasabihing "Mahal, marami akong ginagawa."  At kung walang signal non, so sana, sa lahat ng attempt ko eh narinig ko na "The fucking cellphone of your fucking girl is not in service or out of coverage area." Pero ilang beses ka narinig na busy yung linya. So puta, pag tanga siguro yung tumatawag, pwedeng maulol at pag sasabihan mo ng walang signal dun, maniniwala.

So yun, nasabihan ko ng di naman masasakit pero napakainsensitive na mga salita. At sinabihan ko na ayoko na't kalas na ako.

Pero sya, mukhang sensitive pa rin. Alang pinagbago. Hindi nagtext ng buong araw tapos wala man lang effort na magtaka at ayusin.

"So saan na yung mga sinabi mo sa akin na ako lang ang gusto mong makasama habang buhay? Syempre kung habang buhay mo akong gustong makasama, sigurado me mga problemang dadaan. Ngayong me problema tayo, hinahayaan mo na lang sa ere. Di ko alam kung ano nasa isip mo. Baka pag kinausap mo ako, may shota ka ng iba."

Mahirap pala pag shota mo ay sensitive at gusto masaya lang lagi at puro ok. Gaya nya. At wala pa ring pinagbago. 

Inaabangan ko yung text nya ngayon. At ibebase ko dun kung itutuloy ko pa o hindi na. 

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 5:43 am | permalink | comments[1]

Paano ka tumae?

December 25, 2007

Isa sa mga paborito kong gawin ang pagtae. Bakit? Pagkat sa paraang ito, naiibsan yung pagiging uncomfortable ng aking katawan. Lalo na pag ang tae ko ay basa at feeling ko me LBM ako. Ilang beses na rin akong natyempo sa bus na natatae, usually pag napainom ako ng gatas sa umaga o me kakaibang sahog yung agahan. At bad trip pa neto, pag midway ka pa lang sa pupuntahan mo, nako, sobrang hirap magtiis. Parang namimilipit yung tyan at di mapakali. Gustong mapasigaw at iutot kasi nag-aalangan na baka dun sa bus lumabas. Mga bus pa dito, puro aircon. Walang ordinary.

So mabalik sa tanong, pano ka tumae? Kasi ako, dipende.

Pag feeling ko basa ang tae ko, iuupo ko at i-iire ng pagkalakilaking isa. Pipilitin kong lumabas lahat, kahit na parang tubig na lang ang tumutulo sa pwet. Tapos pag feel ko pa na meron pang naiwan, iiire ko uli. Repeat and rinse.

Pag feeling ko naman yung normal lang, simpleng upo. Babasa ng libro, at magrerelax. Sasabayan ko yung paglabas nya ng mild na ire.

Pag feeling ko constipated ako pero gusto kong ilabas agad, talagang pipilitin ko. Hingang malalim at ire ng todo. Pag walang lumalabas or feel ko di lalabas, parang halfway kong ipapause yung ire at kukuha ng panibagong bwelo. So katumbas nun ay 1 1/2 na ire at gradually na nagiincrease hanggang sa me lumabas.

Tapos ng pagtae, punta ako sa tub at hugas ng pwet gamit ang tubig. Pag tinatamad naman at feeling ko para akong may hydrophobia, kumukuha na lang ako ng tissue para ipahid sa butas ng pwet.

Ikaw, paano ka tumae? 

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 5:45 am | permalink | comments[1]

Unti-unting nagiging loveless

Naramdaman ko na dati na maging loveless. Madaling gawin yung initial moves dahil pinapadali ng sobrang galit at inis tapos pagdating nga ilang araw, ilang linggo, parang me bad or guilty after-taste. Yung tipong maiisip mo sya ng sobra tapos parang gusto mong balikan, kausapin at sasabihin mo sa kanya kung gaano ka kaguilty at ka estupido kung bakit mo ginawa yon.

At style ko yun dati. Sa tuwing nagaaway kami ng ex at hahantong sa hiwalayan, wala pang isang araw, miss ko na sya tapos aayusin ko agad. Di ko mabeblame yung sarili ko. Bata ako dati - nagdodroga, kulang tulog lagi, di matino ang pag-iisip, sex ang nasa isip buong araw at in-love. Mahirap na kombinasyon, girl. Kaya ang gawain ko dati, pagkatapos kong mapaiyak yung shota ko, aayusin ko agad tapos ok na. Well, mahal ko sya ng sobra dati at kelangan ng kasex kasi sa kalibugan. Ako'y parang mejo pundidong flouresent bulb.

Pero dati yun.

Ngayon, naisip ko lang na di lang ako nagmukhang tanga kundi niloloko ko din pala ang sarili ko sa mga kabulukan ng style ko dati. Bakit ko tatanggapin ng nakapikit yung mga katangian ng isang karelasyon kung yun ang dahilan kung bakit ko sya kinaiinisan at parang wala syang effort na tanggalin yun? Laking tanga. Pwede ko namang gawin yon pag ginawa ko yon, tingin ko di lang sya yung niloloko ko kundi sarili ko.

At bakit pa ako magtitiwala sa taong minsang iniwan ako dahil nagkaproblema ako ng malaki? Pag sakasakaling nabalik ako sa problema ko dati (na pipilitin kong di na maulit at sana wag na po maulit, Lord), maasahan ko ba sya na magstick? Ewan ko. Baka nagbago na sya. Pero paano mo malalaman ang mga mangyayari sa future, di ba?

So ang tentative na sagot, hindi. Kasi nagawa nya na sa akin yon. Me doubts. Magsisinungaling ako sa kanya pag sinabi kong wala.

Maaatim ko sana kung kinakaliwa-kaliwa lang nya ako dati, or nilalamigan, or inaaway-away lang. Pero yung iwan ako sa pinakamababang moment sa buong tanang buhay ko, parang mahirap lunukin. Bakit ko kakasamahin panghabangbuhay ang isang tao na minsang iniwan ako? At me panghabangbuhay ba na adverb pag sya ang nakasama ko? I've heard stories of couple who stuck together through thick and thin, mapa totoong buhay man o mapa pelikula pero with her, I think parang through thick and thicker lang.

Pero gaya nga ng sabi ko, siguro nagbago na sya. Tumanda na rin naman sya. Pero di ko rin alam.

Kaya mas ok na maging safe na lang. Mas maigi na maging loveless muna at kung magmamahal ako muli, sisiguraduhin ko na kasama ko na sa isang bubong or nalalakad lang papunta sa kanila. Di importante kung di ko muna sya mahal masyado or kahit na fling fling lang muna at di seryoso or pwede rin na di ko muna sya mahal kasi napatunayan ko na ang pagmamahal, pwedeng magsimula sa WALA. Di kelangan ng kabaduyan na requirements na magkaibigan muna kayo or magkaworking relationship kayong me gusto sa isa't isa. At isa pa, di importante kung mayaman or mahirap basta bibigyan ako ng assurance na ako lang at wala ng iba at  peace of mind at hindi mang-iiwan sa oras na lugmok ang isa sa inyo. Sa madaling salita, walang kwenta kahit magaling pa sya sa sex (kasi kamay ko lang ang katapat nyan) or bigyan ako ng magagandang anak (kasi di ako pisikal) or kaya akong dalhin sa mga mamahaling restaurant (kasi wala sa presyo ang sarap ng pagkain) pag lagi namang natotorta ang isip ko sa kakaisip at kadududa.

Yung babaeng loyal at me tunay na concern at syempre, mahal ako, pag dumating, ang magiging pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa. At least sisikapin kong iparamdam sa kanya yan sa abot ng aking makakaya, bilang "kabayaran". At di ko kailanman pakakawalan.

Ngayon, putang ina. Nasa proseso ng pagiging loveless at napapadali kasi sa nararamdaman ngayon. At sana alam nya at me pakiramdam naman siguro sya. Siguro alam naman na nya. At mas maigi pag mabasa nya tong kabaduyan at tuluyan syang magalit at makipagkalas at nang makapaghanap na ng bago.

 

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 2:06 am | permalink | comments[1]

Ang Kabaduyan Ng ABS-CBN

Matapos na magdemanda ang ABS-CBN laban sa AGB Nielsen Media Research dahil sa alleged na pandaraya sa ratings game, na sa tingin ko e senyales ng kalamyaan at pagiging desperado, eto nanaman ang isang kabaduyan na nabalitaaan ko tungkol sa kanila.

Matapos na magperform ang isang kinse anyos na singer na nag-ngangalang Charice Pempengco sa show ni Ellen DeGeneres sa USA, heto ngayon ang ABS-CBN na todo ang pag-aangkin sa kanya. Matatandaang talunan si Charice sa isang contest sa ABS dahil sa text votes. Alam naman natin na madaling manipulahin ang mga text votes lalo na pag yung me hawak ay sadyang merong kadayaan. At given na sanay sa mga kadayaan ang ([ilan sa] mga shows ng) ABS-CBN gaya ng nangyari sa Wilyonaryo, di na ako magtataka. Tapos ngayon napansin sya dahil sa pagmamalasakit sa kanya ng isang taong nais syang sumikat at nagaupload ng videos nya sa YouTube, heto ngayon ang ABS-CBN na parang akala mo kung sino na nagaangkin kaagad at todo promo sa kanya.  

Eto ang bottomline. Hindi ABS-CBN ang nagbigay daan para makapag-guest si Charice sa Ellen. Kaya, heto lang masasabi ko, ang babaduy nyo na, ang kakapal nyo pa.

 

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 1:01 am | permalink | Add comment

Ayoko na.

Ayokong personal na sabihin sa yo to. Ayokong sirain Pasko at masasayang salu-salo nyo jan. Hayaan ko na lang na mabasa mo to kase ayoko na direkta kang masaktan.

Ayoko na.

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 12:22 am | permalink | comments[1]

So Nagbasa Ako Ng Kabaduyan Sa Inquirer.NET

At ang headline "(UPDATE 6) Broadcast journalist shot dead in Davao City"

Ang dahilan? Nangutya at criniticize yung multi-million city government project na "People's Park" na ayon sa namatay na journalist, ay "corrupt or the ‘crocodile park" o isang malaking opportunidad para makapambulsa. Ganyan nga sa Pinas, batuhin mo ng bato ang isang powerful na tao, tangke ang ihaharap sa yo.

Pano sya pinatay? As usual, nakahelmet na nakamotorsiklo. Di ko alam kung me asosasyon ng mga hired killers sa Pinas. Or may agency na pwedeng maghire ng mga kriminal. Kase generic. Halos lahat ng nababasa kong balita na pag may namamatay na radio announcer or pulitiko, laging "mga armadong kalalakihan na nakahelmet at nakamotorsiklo".

Kaya baduy. Mga putang inang mayayaman tao sa Pinas na sensitive at di makatake ng katotohanan mula sa mga taong tunay na may concern sa bayan. Pag pinapansin yung mga kabulastugang gawa ng mga gahaman, ginagamit ang buwis ng taong bayan para magrenta ng mga putang inang kriminal para pumatay. Mga tae kayo. Itigil na yang mga kabaduyan nyo. 

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 12:10 am | permalink | Add comment

Dahil Bad Trip Ako Ngayong Pasko, Heto Yung Sulat Na Di Ko Napadala Nung Nagalangan Akong Ipagpatuloy Yung Malayong Relasyon Ko Sa Isang Babae

December 24, 2007

Sinave ko na eto as template pag sakasakaling maisipan kong kumalas pag nararamdaman kong malamig na sya sa akin. Pwede rin to at libre mo tong magagamit ng walang pahintulot pag gusto mong kumalas sa online na karelasyon mo. I-edit mo na lang. Gawa ko to nung December 18, 2007.

Bakit ko to nasulat? Kasi isang gabi di ako makatulog at iniisip ko sya tapos me lakad pa ako ng kinabukasan.  Parang na feel ko lang na hassle yung pag-iisip ko sa kanya.

Heto yung simula.

 

"2:07 AM. Five hours, dapat gising na ako pero di ako makatulog. Iniisip kita. Iniisip ko kung ano yung mga ginagawa mo. Iniisip ko kung ano yung gagawin mo bukas. Iniisip ko kung iniisip mo rin ba ako. God, ang hirap. Hirap dumiskarte pag ganito. Siguro pag gabi gabing ganito, ewan ko kung ano na mangyayari sa akin.

Ano ang punto? Mahal, I just want to let you know that ayoko munang ganito at the moment at since alam ko kung pano ka mag-isip, iiinterpret mo na namang ayoko ko na indefinately. Well, bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. Ang gusto ko lang e matanggal ka muna sa aking sistema kasi mahirap. Buti sana kung nandito ka sa tabi ko. Or macocommute lang ang lugar mo ng mga isang oras. Hirap pa nyan, alam mo kung paano ako mag-isip, di ba? Di na masyadong praning pero seloso at sa twing mararamdaman ko na lang na malamig ka, napagiisip ako ng iba at pilit kong nilalabanan yon para di ka masaktan. Kaso, bad trip, ako naman ang napeperwisyo dito. Tapos pag nagkakatampuhan at di nasosolusyonan agad, putang ina, mahirap din. Imbes na ipikit na lang mga mata at ipagpabukas o kalimutan agad, pilit ko pang nilalabanan yung mga thoughts na gaya ng "Bakit naman ganon?" or
"Bakit napakainconsiderate?" or "Bakit ala ba syang pakiramdam?" tapos eto, di na makatulog.  Alam ko very immature. Call me immature, feel free to.

Hindi kita gustong saktan pero ayoko naman na praning ako pag nagkataong nagkasama man tayo in the future. Pero, again, dahil alam ko na na pag nasasaktan ka't umaayaw ka agad, i-assume ko na lang na hindi mo na ako bibigyan ng hope after mong mabasa to. Well, kung ganun man, e di I hope you'll find the right guy for you na hindi ka sasaktan ng kahit konti. Sana bigyan ka ng magandang buhay at sana isipin ka nya lagi at isipin nya ang iyong kabutihan. Sana hindi sya self-less at sana ibigay nya ang happiness sa yo forever at sana sya na yung right butterfly for you. Don't get me wrong though. Kahit na isa ka sa mga nagparealize sa akin na may dark side din ang buhay, na hindi puro saya at laging me kasama, I still love you. Ikaw lang ang kaisa-isa, mahal at sweetie
sa buhay ko at andito ka na, sa puso. At pag nagmeet tayo one day at PWEDENG PWEDE ka pa at gusto mo pa rin ako , I won't hesitate na bigla ka na lang hatakin at pakasalan. Pero ngayon, daig ko pa ngayon yung dating kalagayan ko in terms of the burden na nararamdaman ko. Mejo masakit marinig pero parang ang bigat mong dalhin. Mas mabigat pang buhatin yung mga thoughts ko para sa yo kesa buhatin ang iyong mataba pero sexy
mong katawan.

I guess this is the last e-mail that you'll receive from me. Please don't try to call me or text me or remind me of you. Enough na yung mga pictures na sinend mo sa akin. Bahala ka kung ano yung gusto mong gawin. Magsyota ka ng iba or magpakasal ka na or pwede ka ring maghintay sa kaninong lalake na gusto mong makasama. Technically, may access ka sa mga lalake na yes, mas higit pa sa akin unless ako nga ang gusto mo at hindi ako yung wrong fucking butterfly. Alam ko naman ang estado ko at di ako  hibang na nagiisip na ako ang pinaka-ok na lalaki sa selection pool mo. Honestly, nagtataka nga ako given na alam mo yung mga napagdaanan ko at sinasabi mo sa akin na ako yung gusto mong makasama habang buhay. I'm not doubting your love but sometimes mapag-iisip na lang ako na in-love ka nga ba talaga or binobola mo lang ako. Di kita kontrolado. Feel free to do whatever. I want you to grow and I'm sure, you will.

In a few months time, you'll be a lawyer and me doing this is like taking care of a fish in an aquarium then setting it free after it's good to sell. Pero di naman ako material na tao. Alam mo ata to, no? Mas magusto ko pang makasama ang isang simpleng taong makapagbibigay sa akin ng peace of mind.

What about me? Please don't think about me because I don't want you to give a damn at sigurado galit at poot ang nararamdaman mo sa akin ngayon at gusto mo na akong kalimutan agad. Now, I feel better at least kasi nakasum na rito yung mga bumabagabag sa aking isipan kaninang pilit  kong kinukuha yung antok ko. Pero I expect na maiisip kita paglipas ng mga 2-3 days at iisipin ko na "God, bakit ko ini-mail yung sulat na yun?". But this time, I won' try to make alibis. All of these are honest thoughts, mahal. Alam kong mas nasasaktan kita at lalo na ako pag puro pagkukunwari or  pagcocover-up ng mga tunay na nararamdaman ko ang aking ginagawa.

That's all. Alam ko kung ano ang nasa isip mo at probably kinakamuhian mo na ako. I won't say sorry because I know, para sa kabutihan mo rin ito. You deserve someone better na mahahagkan mo't makakasama araw araw. Yung tipong yayakapin ka pag di na macontrol yung pagdadabog mo. Yung tipong bubulungan ka ng "i love you so so very very much" pag gusto mong magpalambing. Yung hahawakan mga kamay mo pag feeling mo ninenerbyos ka or nasstress ka na. Pag ako yon, I guess swerte ako at maniniwala na ako sa destiny. Pag hindi, well, at least minahal mo ako at minahal din kita and enough na yon para sa akin. Your love is enough and I can die now if the only purpose of life is to know how to love.

I love you so much. Thanks for reminding me how to love."

Galing sa pusong galit. Pero masarap pag nailalabas. At mas ok pag nawawala ang galit sa dibdib. At mas mas ok pag walang galit sa dibdib.Tanggalin lang ang source ng galit.

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 11:58 pm | permalink | comments[1]

Putang Inang Pasko Ngayong 2007

Tumatawag ako sa yo. Busy ang line. Tapos meron akong naririg na provider busy tone. Tapos line busy tone. Tapos subscriber cannot be reached. Tapos provider busy tone. Tapos yung line busy. Tapos subscriber cannot be reached. Pasko. Gusto ko lang mahiram ka kahit sandali sa kung sino man ang kausap mo. Kahit mga 30 seconds lang para maipagpatuloy mo ang Christmas telebabad kahit sa kung sino mo gusto. Halos 1 hour yata akong nagattempt. So hininto ko na lang.

 Nagtext ako sa yo. Tapos di ka man lang nagreply. Alam ko gamay mo na ako, pag nagpapansin. Pag feeling na naprapraning. Ewan ko kung sadyang manhid ka or ayaw mo lang makipag-away sa Pasko. Ala man lang assurance. Or pangongonsole. Alam mong solo ako dito. Malungkot. Dinadaan ko na lang sa mga bagay bagay na makapagpapaaliw sa akin. Natawagan ko na yung mga malalapit sa akin. Ikaw na lang ang hindi. 

 Pero ewan ko ba. Parang isinantabi mo na lang ako. Alam kong pumapasok ang text kahit busy ka sa pakikipagusap. At imposibleng hindi on ang phone mo pag Pasko. Malamang inignore mo na lang yung text ko. Or inignore mo nga.

Nakakapagduda tuloy.

Bahala na. Malalaman din natin sa mga susunod na araw.

Iniisip ko ngayon? Galit. Putang ina, anong klase ka? Alam mo namang naprapraning ako pag di mo napaparamdam sa aking yung concern. Tapos sasabihin mo sa akin "Mahal mo ako at miss na miss mo na ako?" Oh my God. Totoo ba yan?

Ano kayang mararamdaman mo pag ikaw ang nasa kalagayan ko ngayon? Nag-iisa. Computer lang kaharap at naisipan mong tawagan yung pinakamamahal mo tapos Busy, Cannot Be Reached tapos alang immediate reply pag nagtext ka sa kanya? Di ako tanga. Di ako bulag. Alam ko pag ginogoyo ako or pinaglalaruan lang. Or pampalipas oras or filler lang. 

Sa 26 years kong buhay, ngayon lang ako super badtrip habang nagcecelebrate ng Pasko. At sana di maulit. At may paraan na di na maulit. Either matulog na lang ako sa next Christmas ng buong araw or magcelebrate ng Pasko kasama ang tao na may concern, na may pakiramdam, na alam na napapraning na yung pinakamamahal nya at gagawa ng kahit konting effort para maibsan yung pagkapraning nya. Kasi ang pagmamahal, di lang nasusukat kung ilang dami ng "I love you" sa texts. Kasama jan ang concern, ang pagpaparamdam sa kanya na ok ang lahat. Nalaman ko na dati na ala kang concern. Di ba, iniwan mo ako nung sobrang praning ako at nawawala sa sarili? So malamang maulit uli. Di na ako magtataka.

Ikaw ba yung babaeng papakasalan ko, na napakasweet pag ok lang at nawawala na parang bula pag nasasaktan na? Pano na kaya kung mag-asawa na tayo? Baka basta mo na lang ako iwanan pag sinita kita. Or pag nagsabi ako ng sa tingin ko mali. Baka makipag-inuman ka na lang sa mga kaibigan mo para malimutan mo yung mga maliliit na problema natin sa bahay tapos pag-uwi mo tutulugan mo na lang ako. Baka ipagpalit mo na lang ako sa iba dahil ayaw mong mag-alala kasi gusto mo ok lang lagi.  Parang napipicture ko na.

Bahala ka sa buhay mo. Naiisip ko tuloy na makipagbreak na lang. Kasi marami pang lalaki kang mamemeet sa mundo na hindi nag-aalala, na ayos lang kahit ano gawin mo, na parang assured lagi. O kaya balikan mo na lang yung EX mo na ka business partner mo. Di ka aawayin, lagi kang sasabihin ng "I love you so much and miss na miss na kita" at makakasama mo pa. Makakasex mo pa. Ako? Malayo. Di mo mahahawakan. Makikita mo lang sa webcam. Maiisip mo lang. Maiimagine. At malilimutan pag nakakakita ka na ng pisikal. At di jan nagtatapos. Heto pa. Insecure akong tao, mapag-isip, naprapraning. Di mo ako mabeblame, me pinagdaanan ako at alam mo yan. Nagtataka nga ako kung bakit mo ako sinasabihan ng "I love you" at nagpaplano ng future at alam mo yung mga nangyari sa akin. Kung di ka nagtataka, ako nagtataka. Nauntog ka ba? Marami pang mas higit sa akin. O baka nga naglalalaro ka lang. At me history tayo na pilit ko mang ibaon sa limot, kusang bumabalik. Kelangan ko ng assurance lagi sa yo na ako nga lang para maibsan at malamang totally na mawawala pag physically magkasama na tayo at nagkakainteract. Since "mahal mo nga ako at miss na miss mo nga ako", hanggang ngayon, ala ka man lang text. Fuck this. 

Kung ayaw mo ng away or ganito lagi, payag ka na makipaghiwalay? Kasi ngayon, aawayin lang kita. Puro kabadtripan lang ang idudulot ko sa yo. Sesermonan. Sisitahin na parang praning na asawa. Ay oo nga pala, heto na lang. Di magtetext sa yo pag praning na kasi oo nga naman, promise ko na sayo na di kita sasaktan. Wala na yung mga masasakit na salita. Di kita itetext pag galit galit na ako. Pwedeng isang araw, isang linggo, isang buwan or isang taon na walang komunikasyon. Kung ayaw mo ng ganyan, makipagbreak ka na sa akin. O ano, break na kaya tayo? Or tayo ba ngayon? Kelangan pa ba tayong magbreak?

 Putang ina.

Nanggagalaiti sa galit at sana nagsleeping pills na lang ngayong Pasko,

Pablo 

 

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 11:03 pm | permalink | comments[2]

Sa Pinas, magpapasko na mamaya maya

So andito ako sa aking kuwarto at nagtatype nito. Kaharap ang putang inang computer na kaharap ko buong taon. Mula New Year 2007, Valentine's, Holy Week, Independence Day, Memorial Day, Araw Ng Mga Bayani, Thanks Giving, Araw ng mga Patay, Bonifacio Day tapos Ngayong Christmas, eto pa rin ang kaharap ko. Hayyyyyyy.

 So sa Pinas, magpapasko na mamya maya. Binati ko yung mga dapat batiin kaso mukhang busy ata sila. Alang reply sa text. Pucha, parang ako na lang ang tao sa mundo. Kawawang ako. Pero di ko mabeblame kasi baka sa mismong araw ng Pasko ako babatiin. Antay antay na lang.

 Masayang magcelebrate ng Pasko, oo. Regalo, salu-salo, kainan. Pero pagkatapos non, balik na naman sa dati. Dating problema, dating kalokohan, dating panggugulang, dating panloloko sa kapwa unless mabuti ka ngang tao. Pero sa ngayon, sino naman na ang mabuti? Halos lahat me kalokohan. Iba-ibang degree nga lang. Pagkatapos mong sabihin na "Merry Christmas at Happy New Year" sa mga makakasalubong mo, makikisingit ka nanaman sa pila. Makikisiksikan sa jeep. Manunuhol para maproseso yung mga papeles na magbibigay sa yo ng napakalaking kickback. Pagkatapos mong sabihing, "Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon", itataboy mo yung mga pulubing madudungis na masasalubong mo at yung mga takas sa mental na palakad lakad sa daan. Maano kaya kung imaginin mo sila na parang nangangaroling lang at mabigyan ng barya.

So ngayon, parang matatawa lang ako pag nakakakita ako ng mga taong nagcecelebrate ng Christmas.Totoo ba yan o palabas lang?

Gaya nga ng sabi ng mga walang magawang mga punk rockers na GI and The Idiots, "Tulad nong nakaraang Pasko, walang pagbabago."

 

 

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 1:42 pm | permalink | Add comment

Eto ang kahulihulihang sandali para maging baduy.

Oo. Asar ako sa blog. Di ko alam kung bakit ginagawa to ng mga tao. Pwede namang kimkimin na lang nila yung mga nasa isip nila. Or pwede namang bumili na lang sila ng photo albums sa National Bookstore para dun isilid yung mga pektyurs na kinuha nila. O kaya naman bumili ng maliit na diary para isulat kung ano yung mga nangyari sa kanila at magorganize na lang ng "Diary Exchange Week" para maishare yung mga saloobin or kuru-kuro ng bawat isa. Kaso eto, me internet. Me blog. Kaya ngayon, halos lahat na ng tao me blog. Pati din ako ngayon, di ko maiiwasan na magblog din kasi di ko nga naman masasabi na asar ako sa blog pag kikimkimin ko lang di ba? Parang nagkulong lang ako sa kwarto at sumisigaw na, "Tama na, sobra na, palitan na!"

 So sinetup ko tong blog kahit na alam kong baduy para maihayag ko ang aking kasutilan at panlalait sa tingin ko mga bagay na baduy ngayon. 

 

Posted by ayokongmakiusokasebaduy at 3:53 am | permalink | Add comment